Infinito: Salinlahi-Chapter 88
Chapter 88 - 88
"Manghihina kayo at mamimilipit sa sakit!" Sigaw ng isang tinig mula sa kawalan. Napalingon sila nang sabay-sabay magsitumbahan ang mga ordinaryong aswang. Umaatungal pa ang mga ito at namimilipit sa sakit.
"Manghihina kayo at mamimilipit sa sakit, susuka kayo ng d*go at kakain kayo ng lupa!" Umalingawngaw sa buong kagubatan ang malamyos na tinig at gulat na napatingin si Esmeralda sa mga aswang nang sumuka ang mga ito ng d*go habang dumadakot ng lupa at isinusubo ito.
"Ano'ng nangyayari? May tulong bang dumating?" Gulat na tanong ni Hagnaya na noo'y nagpapalipat-lipat ang tinginnsa paligid. Napatda naman ang tingin ni Esmeralda sa gilid na parte ng kubo kung saan lumitaw ang isang maliwanag na lagusan. Isang silweta ang naglalakad papalabas roon. Ilang sandali pa , ang isa ay naging dalawa, naging tatlo, hanggang sa makarinig sila ng sigaw at patakbong lumabas roon sina Mateo, Loisa at Paeng. Bitbit ang kanilang mga sandata, buong-loob nilang sinalakay ang mga aswang na animo'y nasa toong gyera sila.
"Sina Kuya Mateo!" masayang sigaw ni Dodong. Tila nanumbalik naman ang lakas ng bata at muling nakabangon kahit nahihirapan.
Mula sa lagusan, muli nilang narinig ang tinig, at lumabas roon si Harani, nakatayo habang hawak ang isang tungkod.
"Kayong mga aswang, gagapanga kayo sa lupa at luluhod sa akin. Kakain kayo ng lupa hanggang sa kayo ay mamat*y!" Sigaw ni Harani. Ang buhok niya ay isinasayaw ng hangin, nagmistula siyang isang diwata na nagpapataw ng kaniyang sumpa. Ang mga aswang na nakarinig ay tila mga alipin nitong sumunod. Lahat ng mahihina ay napaluhod. GUmapang ang mga ito at sunod-sunod na nagsubo ng lupa. MAbilis ang kani-kanilang pagsubo, animo'y mga gutom. Ilang sandali pa ay bumula na ang kanilang mga bibig, tumirik ang kanilang mga mata, at nalagutan ng hininga nang nakanganga at nakatingala sa langit.
Kahindik-hindik ang mga nasaksihan ni Esmeralda. Napatulala siya sa kaniyang tiyahin. Ngayon niya mas naunawaan kung bakit hindi nagsasalita si Harani. Dahil ang bawat lumabas sa kaniyang bibig ay tila isang sumpa na maghahatid sa'yo sa kamatay*n mo. Dahil sa pagdating ng grupo nila Mateo ay nagkaroon ng pagkakataon para magpahinga sina Dodong at Esmeralda. Nang makabawi ay agad na hinanap ng mga mata ni Esmeralda ang kaniyang kapatid. Nakita niya ito sa harap ng kubo na nakikipaglaban na sa haring hanagob.
Napasigaw si Esmeralda, “Liyab!” Ngunit hindi siya narinig ng kapatid. Masyadong malakas ang ugong ng hangin, at ang sigawan ng mga taong naglalaban at ang atungal ng mga aswang na nasasaktan. Buong tapang na humarap si Liyab sa Haring Hanagob, gamit ang espada nito ay sinalubong niya ang mga kuko ng hari. Nagtapat ang kanilang mga mukha at napangisi ito.
"Ano na Haring Mahomanay, nais mo bang malaman kung paano ko pinaluhod ang iyong ama sa lupa, gamit ang buhay ng iyong nasirang ina?" panunuya ng haring hanagob.
"Natalo mo sila dahil madaya ka," mariing tugon ni Liyab habang pilit itinataas ang espada, pinipigilan ang unti-unting pagbagsak ng mga kuko nito sa kaniyang balikat. "Hindi tagumpay ang tawag sa pandaraya, Hanagob."
Napahalakhak ang hari ng mga aswang, ang kanyang tinig ay tila kidlat na tumagos sa ulap ng digmaan. "At ano ang tawag mo sa ginagawa niyong pagtatago? Hindi ba't panlilinlang din iyon? Kayong nagmula sa salinlahi ni Hamara at Ar'wan, lahat kayo ay uubusin ko!" sigaw ng haring hanagob. Buong lakas niyang itinulak si Liyab at sinugod ng kaniyang mga kuko. Sa kabutihang palad ay mabilis na nakahuma si Liyab at muli niyang nasangga ang atake nito.
Napakalakas ng haring hanagob. Hindi rin basta-basta ang nararamdamang takot ni Liyab sa presensiya nito. May kung ano sa pagkatao nito na nagbibigay ng kilabot sa kaniya.
"Isang pagkakamali ang nabuhay kayo, isang kataksilan!" galit na sigaw ng haring hanagob at dinaluhong ng atake si Liyab. Mabilis na naitulak ni Esmeralda ang kapatid at ang sandata niya ang sumalo ng mga kuko ng aswang.
"Sino ka para sabihing , isang pagkakamali ang buhay namin? Diyos ka ba?" gigil na tanong ni Esmeralda. Kumakabog ang kaniyang dibdib, hindi dahil sa takot kun'di dahil sa rumaragasang galit na nagbabadyang kumawala sa kaniyang dibdib.
"Kung nagawa ko ngang paslangin sina Hamara at Ar'wan, magagawa ko rin sa inyo. Mga sisiw pa lang kayo. Wala kayong alam— mga bagito." patuyang wika ng haring hanagob. Kasabay nito ang pagsakal niya kay Esmeralda, nagpumiglas si Esmeralda at sinipa ang aswang nang buong lakas niya. Tumama ito sa tagiliran ng aswang na naging dahilan ng pagluwag ng pagkakasakal nito. Ginamit ni Esmeralda ang pagkakataong iyon para makalayo rito, ngunit mabilis siyang nahawakan ng aswang sa kaniyang buhok.
Napaigik si Esmeralda nang bigla nitong hatakin ang buhok niya. gamit ang hawak niyang itak, walang pagdadalawang-isip niyang pinutol ang kaniyang mahabang buhok. Napaatras ang haring hanagob dahil sa pwersang ginamit niya para hatakin ang buhok ng dalaga. Ngumisi si Esmeralda, hindi alintana ang pagkaputol ng mahaba niyang buhok. Mula sa kaniyang beywang, hinugot niya ang isang buntot-pagi at hinampas sa hanagob. Wala na siyang pakialam sa mga sinasabi nito.
Nang makabawi naman si Liyab ay nakita niyang nakikipaglaban na si Esmeralda sa haring aswang. Muli niyang dinampot ang kaniyang espada at tinulungan ang kaniyang kapatid.
Humalakhak naman ang haring hanagob nang makitang sumali na sa laban nila si Liyab.
"Lalo niyo lang pinatunayang mahina pa kayo, hindi niyo kayang lupigin ang nag-iisang ako? Mga mahihinang nilalang— mga walang kuwenta!" panunuya ng haring hanagob. Tiim-bagang na hinagupit ni Esmeralda ang aswang gamit ang hawak na latigo. Tumama ito sa katawan ng hanagob at umusok ang parteng iyon.
Isang nakabibinging atungal ang pinakawalan ng hanagob, napaatras ito at nanlilisik ang mga matang tinitigan ang magkapatid.
"Mahina kami? Ano naman kung mahina kami? Lahat ng nilalang may kahinaan, tanging ang Panginoon lang na lumikha sa lahat ang makapangyarihan. Higit kanino man, wala nang mas lalakas pa sa kaniya!" giit ni Esmeralda at muling hinampas ang kaniyang latigo sa kalaban. Si Liyab naman ay inatake ang hanagob nang umiwas ito sa latigo ng dalaga. Nagawa niya itong sugatan sa braso at malubhang ininda ito ng hari.
"Mahina man kami, pero hindi kami titigil hangga't hindi ka namin napapat*y!" wika naman ni Liyab at pinaulanan ng taga ang nilalang. Pinagtulungan nila ito hanggang sa tuluyan na itong mahirapan sa pagsangga ng kanilang mga atake.
Ang hanagob, bagaman sugatan ay nagagawa pa ring humalakhak. Umalingawngaw sa kagubatan ang sigaw nito at yumanig ang lupa sa pagsigaw ng mga alipores nito. Dumagundong ang lupa at nahawi ang mga sanga ng punong nakapalibot sa kanila. Humagupit ang isang malakas na hangin habang dahan-dahang tumatayo ang hanagob sa kinalalagpakan nito.
"Ang akala niyo ba ay gano'n niyo na lang ako kabilis na matatalo? Gabay ko ang pinakamalakas na itim na engkanto, at sa tulong niya, buburahin ko kayo sa landas ko, sisirain ko ang selyo ng lagusang ito at sasalakayin namin ang mundo ng mga puting engkanto. Sa ganoong paraan, maghahari na kami sa dalawang mundo, at kayong mga tao ay magiging alipin at pagkain na lang namin!" humahalakhak na sigaw nito.
Parehong napahinto si Liyab at Esmeralda dahil sa narinig. Napaismid ang dalaga habang matalim na tingin naman ang iginawad ni Liyab sa haring aswang.
"Napat*y mo nga ang aming mga magulang noon, pero hindi ka nagtagumpay. Ngayon, ganoon pa rin ang mangyayari, ang kaibahan nga lang, ikaw na ang mamamat*y!" giit ni Esmeralda, akmang aatake siya nang may isang kamay ang pumigil sa kaniya. Nang lingunin niya ito ay nakita niya si Harani. Napapailing ito, matalim ang tingin sa hanagob, bakas rin ang poot sa mga mata ng ginang.
"Haring Hanagob, ikaw na kumitil sa buhay ng aking kapatid, manghihina ka at luluhod sa harapan ko!" Sigaw ni Harani, umalingawngaw ang kaniyang tinig, mariin, may bigat at puno ng galit. Ilang beses din niyang inulit ang mga katagang iyon at sa kaniyang bawat paghinto ay nag-uusal siya ng orasyon. Hindi siya tumigil, kahit pa nagsimula nang dumugo ang kaniyang ilong.
Tumawa ng malakas ang haring hanagob, tila nasisiyahan sa paghihirap ni Harani.
"Kita mo nga naman, ang babaeng babaylan na nabiyayaan ng kapagyarihan ng isang malakas na buyagan— isang babaylang mangkukulam. Nakakatuwang kombinasyon!" Pumalakpak ang hanagob, sa pag-akto nito ay tila hindi tumatalab sa kaniya ang kapangyarihan ni Harani. "Ano'ng akala mo sa sarili mo? Hindi ako tatablan ng kapagyarihan mo, dahil mahina ka!" Wika nito at iwinaksi ang kamay. Isang puwersa ang dumaan kay Harani at napaatras siya, kamuntikan pa siyang mawala sa balanse subalit mabilis ring nakabawi.
Humigpit ang hawak niya sa tungkod na may ukit ng sinaunang simbolo ng kanilang lahi. “Mahina?” mariing sambit ni Harani, mababa ngunit mariing-mariin, tila kulog na umuugong sa ilalim ng kaniyang dibdib. Napangisi si Harani, itinaas niya ang nakakuyom na palad at ibinuka iyon, at sumilay ang itim na abo. Walang sabi-sabing hinipan iyon ni Harani at humalo sa hangin, muli siyang nagbanggit ng orasyon— isang dasal na isinambit sa isang lenguaheng ang hanagob lang ang nakakaalam, at biglang sumingasing ang hangin sa paligid. Ang mga halaman ay tila nabuhay, lumapit, yumuko sa kaniya.
Pumaikot ang mga dahong tinatangay ng hangin kay Harani, nagmistula itong depensa laban sa mga atake ng haring hanagob.
Hindi ito inaasahan ng hanagob. Nang subukan nitong iwaksi muli si Harani, hindi na umubra ang kaniyang galaw. Napansin niya ang mga aninong unti-unting lumalapit sa kaniya mula sa mga gilid ng kagubatan. Mga aninong may mata, mga aninong kumikilala sa babaylang biniyayaan ng abilidad ng isang malakas na buyagan